Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Seguridad ang pinaka-tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Cotabato City.
Kasunod nito pinag-aaralan ngayon ng konseho ang paglalagay ng CCTV sa mga pangunahing daan sa syudad ayon kay Vice Mayor Johari “Butch” Abu.
Kabilang din sa paghahanda ang paglalaan ng pondo hinggil sa nasabing hakbang.
Inaalam din ngayon ng Sangguniang Panlungsod kung ang lahat ng establishimento ay gumagana ang mga nakakabit na CCTV.
Ayon sa bise alkalde, malaking tulong sa imbestigasyon ng pulisya ang CCTV footage kapag nahagip nito ang isang nangyaring krimen.