Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Hindi maikakaila na lahat ng pinuno, o lider ng bawat lugar-- mapa-barangay, munisipalidad, probinsiya o bansa man ay hangad ang ikabubuti, ika-uunlad, at ika-uusad ng kanilang nasasakupan.
Kaya naman, isang panibagong tagumpay para sa administrasyon ni Datu Blah Sinsuat Mayor Marshall Sinsuat ang pagdaraos nila ng kauna-unahang Layag Festival sa kanilang bayan.
Mapa bata man o matanda, nakiisa at hindi nagpahuli sa isang linggong selebrasyon na ginanap nitong October 3 hanggang 9.
Tulad ng ng ibang pagdiriwang, may mga paligsahan-- tipikal na ang larong sports, dance at singing contest na pinagbibidahan ng bawat barangay ng naturang bayan.
Pero, tampok ng kanilang mga akatibidad ay ang Layag Racing Contest na kung saan, ito ay isang paligsahan ng mga bangka na siyang sumisimbolo ng sinaunang transportasyon ng mga ninuno upang mangalakal sa ibang karatig bayan.
Ang Layag ay mula sa salitang Bisaya at Tagalog na nangangahulugang isang piraso ng telang nakakabit upang tulungang tangayin ng hangin ang bangka at umusad.
Ayon kay DBS Mayor Datu Marshall Sinsuat, isa itong pagbibigay pugay sa mga ninuno na kung saan, maglalaan ito ng mas magandang oportunidad sa mas maunlad na bayan.
Isa ngayon ang bayan ng Datu Blah Sinsuat sa mayroong umuusbong na turismo pagdating sa beach resort.
Hindi lang matagumpay, kung hindi, produktibo din ang huling araw ng Festival dahil kasado na ang ipapatayong limang barangay hall sa DBS mula sa Ministry of Interior and Local Government ng Bangsamoro Government.
Ang Layag Festival ay pinagtibay ng Ordinansa number 09-01 series of 2022 ordinance o ang institutionalizing second week of October every year as Layag Festival of Municipality of Datu Blah sinsuat.
Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Bisitahin nito na ang bayan ng Datu Blah Sinsuat!
Maglayag, maglakbay, mag explore.
End