Kate Dayawan

SOUTH COTABATO — Malimit man umanong isapubliko ni Governor Reynaldo Tamayo, Jr. ang pagturn-over ng mga proyekto at pagkuha ng larawan sa mga ito, siniguro naman nito na patuloy pa rin ang Provincial Government sa pagpapatupad ng mga programang angkop sa pangangailangan ng mga mamamayan sa South Cotabato.
Ang mahalaga lamang umano kasi para sa gubernador ay ang maisakatuparan nito ang mga proyekto at mapakinabangan ng mga tao.
Sa tatlong taon ng panunungkulan nito bilang gubernador sa probinsya, kaliwa’t kanang mga proyektong pang-imprastrasktura ang kanya na umanong naipatupad sa kabila ng hamon ng pandemya.
Sa plano nitong pagpapatuloy bilang gubernador ng lalawigan, sinabi ni Tamayo na marami pa umano itong magagawa sa mga susunod na panahon basta’t patuloy na magsama-sama ang South Cotabatenios, magtulungan at ipagpatuloy ang pagkakaisa at ang serbisyong Tama at Mabuti para sa lahat.