top of page

PAGPASLANG SA BARANGAY CHAIRMAN NG PANADTABAN, RAJAH BUAYAN, RIDO ANG MOTIBO AYON SA PNP

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Rido ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pagpaslang kay Panadtaban, Rajah Buayan Barangay Captain Norson Utto sa Sultan sa Barongis, Maguindanao araw ng linggo.


Ayon sa Sultan sa Barongis PNP, naglilinis lang umano ng kaniyang motor sa tabing kalsada ang biktima nang biglang may


Photo courtesy: SSB PNP


dumating na dalawang lalaki lulan ng motorsiklo. Isa umano sa dalawang sakay ng motor ang bumaril at pumatay kay Utto.


Narekober sa crime scene ang mga basyo ng .45 caliber pistol. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng SSB PNP sa insidente.


End


1 view
bottom of page