top of page

PAGSASAAYOS NG MGA KALSADA SA PROBINSYA NG MAGUINDANAO, NAGPAPATULOY!

Amor Sending | iNEWS | December 1, 2021

Photo courtesy : Babai A Kasaligan


Cotabato City, Philippines - Bilang bahagi ng pagpapatayo ng proyektong pang imprastraktura, nagpapatuloy ngayon ang Engineering Department ng probinsya sa pagsasaayos at pagbubukas ng mga kalsada lalo na ang Farm to Market roads sa mga liblib na bayan ng probinsya-


Alinsunod sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudaatu – kabilang sa mga kalsadang inaayos ngayon ng Provincial Government ay ang Brgy. Tukanalugong sa bayan ng Datu Abdullah Sangki.


Layon ng proyektong ito na mas mapadali ang pag-aangkat ng mga mamamayan ng kanilang produkto sa probinsya ng Maguindanao.

16 views
bottom of page