Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sisimulan na ang Concreting of Barangay Road project sa Barangay Katuli, Sultan Kudarat, Maguindanao sa pangunguna ni Maguindanao First District with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura.
Ang naturang proyekto ay galing sa Transitional Development Impact Fund (TDIF) nito para sa taong 2021 noong miyembro pa ito ng BTA ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Bukod sa concreting ng mga barangay road, aasahan din ang proyektong pagtatag ng children's playground sa bayan ng Upi, Maguindanao at sa Cotabato City na kukunin din sa kanyang 2021 TDIF.
Bilang kongresista, aasahan pa ang mga susunod na proyekto nito para sa kaniyang nasasakupan.