top of page

PAGSUSUOT NG FACEMASK, MANANATILI KAHIT NILUWANGAN NA ANG MGA COVID-19 RESTRICTION AYON KAY DUTERTE

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 23, 2022

Photo courtesy : news. abs-cbn.com


Cotabato City, Philippines - Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan na tanggalin na ang pagsusuot ng face mask kahit pa maluwang na ang mga COVID-19 restriction sa bansa.


Aniya, okay lamang umano na tanggalin na ang pagsusuot ng face shield, ngunit hindi ang mandato ng pagsusuot ng face masks dahil malalagay sa alanganin ang indibidwal na vulnerable sa COVID-19.


Saad nito na hindi pa umano siya handa na tanggalin ang mask dahil aniya, magtatagal pa ang COVID-19 lalo pa at may naitala na namang bagong variant sa bansang Israel.


Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III maaaring nakatulong din sa ibang non-COVID cases noong 2022 ang pagpapanatili ng minimum public health standards.


Base naman sa pag-aaral ng isang Infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante, sinabi nito na handa na umanong mailipat sa Alert Level 0 ang bansa basta’t pananatihin pa rin ang pagsusuot ng face mask.


End.


2 views
bottom of page