Kael Palapar

COTABATO CITY — Sa nalalabing araw bago ang nakatakdang Special Qualifying Eligibility Examination ng NAPOLCOM-BARMM sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF --
siniguro ni Jun Juanday Jr, ang Supervising Commander ng Intelligence Security Services, na hindi makakalusot ang mga hindi dadaan sa tamang proseso ng aplikasyon.
Ipinagbabawal din ang pagbibigay ng pera o ano mang bagay kapalit ng pagproseso ng dokumento mapabilang lang sa pasulit.
Si Ryan at mga kasamahan nito ay mula pa sa probinsya ng Lanao Del Sur. Maaga pa lamang ay nakapila na sila sa labas ng NAPOLCOM-BARMM upang makakuha ng certificate of admission para sa darating na examination.
Sa kasalukuyan ay mayroon mahigit 4,000 na ang nagpasa ng kanilang aplikasyon sa NAPOLCOM-BARMM.
Ayon kay Juanday, itinakda ang huling pagsubmite ng aplikasyon ngayong darating na biyernes, May 20.
Nakatakda naman isagawa ang pagsusulit ngayong darating na May 29 sa iba't ibang paaralan sa Cotabato City at sa bayan ng Parang sa Maguindanao.