top of page

PAGTATATAG NG BANGSAMORO ADMINISTRATIVE CENTER SA PARANG, MAGUINDANAO, TULOY AYON SA MILG

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Batay sa Administrative Code ng Bangsamoro Transition Authority, nakasaad na temporary seat ng Bangsamoro Government ang Cotabato City.


Dahil sa nagsisiksikan na ang mga ahensiya at wala nang sapat na espasyo, magtatatag ng


Bangsamoro Administrative Center ang BARMM Government sa bayan ng Parang, Maguindanao katabi ng Polloc Port para sa center growth at development ng BARMM.


Ayon kay MILG Minister, Atty Naguib Sinarimbo, na nabili na ang lupa para dito.


Kung sakaling maitatag na ang Administrative Center, planong gawing satellite office ang mga ito at maging field offices ng mga ministries.


Pero ayon kay BTA Floor Leader Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, mahaba-haba pang panahon ang gugugulin para dito at ang prayoridad muna ng Parliament ay ang pagpasa sa mga nakabinbin na priority codes na layuning mataposs at maisumite na bago magtapos ang taong 2022 o sa unang quarter ng 2023.


End

0 views
bottom of page