top of page

PAGTATATAG NG MUNISIPYO, ISA SA MGA NAKIKITANG SOLUSYON UPANG TUGUNAN ANG BANTA SA SEGURIDAD SA SGA

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Pagtatatag ng isang local government unit.


Ito ang sinabi Member of the Parliament Atty. Rasol Mitmug Jr. sa usaping pagbibigay solusyon sa banta sa seguridad na naranasan ng mga barangay na napabilang sa Special Geographic Area ng BARMM.


Dagdag pa ni, MP Atty. Rasol Mitmug, nakasaad sa isinusulong na Bangsamoro Local Government Code, na magkakaroon ng kapangyarihan ang mamumuno sa SGA na kahalintulad ng isang probinsya pero mas mainam aniya ang pagtatatag ng isang local government unit para sa mga barangay sa Cotabato Province na sakop ng Special Geographic Unit ng BARMM


Halos tatlong linggo na ang nakalipas nang maganap ang sunod-sunod na mga insidente ng karahasan sa bayan ng Pikit kung saan dalawampu’t dalawa mula sa 63 barangays sa ilalim ng SGA ang apektado.


End

0 views
bottom of page