PAHMIA MANALAO-MASURONG AT INCUMBENT MAYOR ABOLAIS MANALAO, PRINOKLAMA NA SA BULDON, MAGUINDANAO
Kate Dayawan

(Photo Courtesy: iFM Cotabato)
BULDON, MAGUINDANAO — Prinoklama na bilang bagong halal na alkalde ng bayan ng Buldon si Pahmia Manalao-Masurong, ang kapatid ni incumbent Mayor Abolais Manalao na ngayon ay uupo na bilang bise alkalde ng bayan.
Tinalo ni Pahmia ang dalawang katunggali nang makakuha ng 13,966 na boto. Ang kalaban nito na si Harold Tomawis na kandidato ng United Bangsamoro Justice Party ay nakakuha lamang ng 2,721 na boto habang si Bai Dirangaren at mayroon lamang limang boto.
Wagi naman sa pagka bise alkalde si incumbent Mayor Abolais Manalao matapos na makakuha ng 13,896 na boto kumpara sa nag-iisang kalaban nito na si Amer H. Gafor ng UBJP na mayroon lamang 2,647 na boto.
Ang bayan ng Buldon ay naging Grand Slam Achiever ng Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local Government sa ilalim na pamumuno ni Mayor Abolais Manatao.
Ngayon na ang kapatid na nito ang mamumuno sa bayan, ipinangako nito na itutuloy umano ni Pahmia ang mga programa at plano ng outgoing administration.