JOY FERNANDEZ | iNEWS | iMINDSPH
Cotabato city, Philippines - Kasunod ng naitalang kaso ng delta variant ng covid-19 sa probinsiya ng south cotabato noong nakaraang linggo--
Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. Ang ONE HOSPITAL COMMAND CENTER-
Paraan ito ng Provincial Government ng South Cotabato para sa mas maagap na aksyon laban sa covid-19-
Mabigyan ng sapat na health care assistance ang mga pasyente, mabawasan ang oras ng paghihintay sa pagtransfer at referral ng mga nagpositibo patungo sa angkop na health facility sa probinsiya.
Sa ilalim ng ONE HOSPITAL COMMAND CENTER, namomonito din ang estado ng mga ospital kung may kakayahan pa na tumanggap ang mga ito ng pasyenteng nagpositibo sa sakit.
Isa lamang ito sa mga agarang interbensyun ng Provincial Government ng South Cotabato upang matugunan ang problema at ang posible pang pagtaas ng kaso ng Delta Variant ng Covid-19 sa Probinsiya.

Photo by: Provincial Government of South Cotabato