top of page

PAMUMULITIKA, ISA SA MGA PANGUNAHING DAHILAN NG PAGBABAWAS NG BUDGET SA NTF-ELCAC: SENATOR LACSON

iNEWS | December 9, 2021

Photo courtesy : Ping Lacson


Cotabato City, Philippines - Sa panayam ng Net 25 TV Radyo nitong Miyerkules, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na dapat gamitin ang ELCAC budget para sa pagpapaunlad ng kabuhayan sa mga lugar na kontrolado ng NPA para hikayatin ang mga rebelde na magbago ng kanilang paraan.


Gayunpaman, sinabi ng mambabatas na hindi ito nangyayari sa lahat ng mga bayan na diumano ay naalis sa kontrol ng mga rebelde.


Ayon sa senator, nahaluan ito ng pulitika dahil may mga lugar na may mga sumukong NPA pero hindi kaalyado ng Malacanang ang hindi umano nabibigyan ng livelihood assistance.


Ang mga naunang ulat ay nagsasaad na ang P19.33 bilyon ng 2021 na budget ng ELCAC ay di-umano'y nagamit sa maling paraan.


Nilinaw ni Lacson na ang ELCAC ay nilikha dahil sa mabuting hangarin, ngunit ang mga isyu sa pagpapatupad nito ay kailangang tugunan kung ito ay mababalik ang buong pondo mula sa gobyerno.


7 views
bottom of page