Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Higit isandaang araw na lamang bago ang kapaskuhan...
Ay siya ring pagtaas ngayon sa presyo ng mga pandekorasyon sa pasko sa ilang mga pamilihan.
Ang sobrang patok at di mawawala sa tahanang Sta. Claus ay isa sa mga pumalo ang presyo, tulad ng Resin Sta. Claus bunsod ng pagtaas rin sa presyo ng mga materyales na ginagamit sa paggawa nito, gayundin ang sunod-sunod na taas presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa grupo ng gumagawa ng Christmas decoration sa Bansa...
May malaking hamon umano silang kinakaharap lalo pa't nauungusan na ng bansang India ang Pilipinas sa pag-export ng mga Christmas decoration sa America.
Pahayag naman ni Mila Lacson ng Holiday Decor Sector, PhilExport...
Hirap ngayon ang mga exporter na makipagpaligsahan sa mga competitor..
Kaya naman kailangang higit na pag-aralan ang labor cost maging ang problema sa mataas na power rate sa bansa.