top of page

PANGALAWANG BOOSTER KONTRA COVID-19, SISIMULAN NA SA MGA HEALTH WORKERS AT SENIOR CITIZENS

Fiona Fernandez

COTABATO CITY - Nagpalabas na ng Memorandum ang Office of the Secretary ng Department of Health kaugnay sa paglulunsad ng ika-apat na bakuna o ang 2nd booster shot kontra COVID-19.


Una sa General guidelines nito, ang mga indibidwal na kabilang sa Priority Group A1 o mga workers sa Essential Health Services at A2 ,o mga Senior Citizen ay maari nang mapabakuna.


Bagamat nagsisimula na ito sa Luzon, sa ibang lugar kabilang dito sa lungsod ng Cotabato, hindi pa naitatakda ang kung kailan ilulunsad ang naturang roll out.


Paalala din sa mga eligible individuals, kinakailangang umabot ng apat na buwan ang tagal ng huling bakuna para sa ika-aapat na dose. maaari lang iprisinta ang kanilang vaccination cards at anumang valid IDs.


Iginiit din ng DOH na ligtas ito at mas mainam dahil dagdag proteksiyon.


5 views0 comments

Recent Posts

See All