Kael Palapar

(Photo courtesy: Philippine News Agency)
"Pinirmahan din po ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11696 na nagbibigay compensation sa pagkawala at pagwasask maging pagkawala ng mga buhay sa 2017 Marawi siege."
Ito ang naging anunsiyo ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar sa naging press briefing ng Malacañang kahapon, April 27.
Sa ilalim ng batas, bibigyan ng naangkop na compensation ang mga tagapagmana ng mga biktimang binawian ng buhay maging ang mga legally declared dead sa naging Marawi Siege noong 2017.
Makakatanggap rin ng tax-free compensation ang mga may-ri ng residential, cultural, commercial structures at iba pang propoerties na nasira sa naging digmaan.
"..bubuong independent at quasijudicial body na tatawaging Marawi Compensation Board na pamumunuan ng isang chairman at walong miyembro na i-aapoint ng pangulo." dagdag pa ni Andanar.
Ayon sa batas, ang Marawi Compensation Board ay kinakailangan magkaroon ng isang doktor, isang certified public accountat, isang educator, isang licensed engineer at tatlong abogado.
Bagama't "preferably Maranao lawyers" ang nakasaad sa batas, dalawa sa kanila ay dapat representatives o kinatawan ng civil society organizations at ang isa naman ay dapat Sharia lawyer o Muslim traditional leader.
Samantala, maari nang ihain ng mga eligible sa Marawi Siege Compensation Act ang kanilang claims isang taon matapos mabuo ang compensation board.
Mayo taong 2017 nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at Maute Group na kumitil sa buhay ng humigit kumulang 1,200 katao at nagdisplace sa mahigit 200,000 pamilya sa Marawi.