
PANUKALA NG PSAC NA MAGTATATAG NG PRIVATE SECTOR JOB AND SKILLS CORPORATION, TINANGGAP NI PBBM PARA HASAIIN ANG SEKTOR NG MANGGAGAWA AT PAGPAPAYABONG NG MGA TRABAHO SA BANSA
Presidential Communications Office - Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng PSAC na pagtatatag ng Private Sector Job and Skills Corporation (PSJSC) na naglalayong hasain ang sektor ng manggagawa at pagpapayabong ng mga trabaho sa bansa.
Tuloy-tuloy ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa pribadong sektor tungo sa mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng PSAC na pagtatatag ng Private Sector Job and Skills Corporation (PSJSC) na naglalayong hasain ang sektor ng manggagawa at pagpapayabong ng mga trabaho sa bansa.
Nakapaloob dito ang pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at akademya batay sa pamantayan sa iba't ibang industriya at bilang tugon sa job mismatch at kakulangan ng ilang skilled workers sa ibang sektor.
Ipinag-utos din ng Pangulo na mas matibay na koordinasyon ng DOLE, DEPED, CHED, at TESDA sa PSAC para sa pagsasapinal ng PSJSC bilang pagtugon sa iba pang isyu na kinakaharap ng job sector.