PANUKALA NI CONGRESSWOMAN BAI DIMPLE MASTURA

APRUBADO NA SA KONGRESO ANG HOUSE BILL 7320 NI CONGRESSWOMAN BAI DIMPLE MASTURA NA NAGLALAYONG MADAGDAGAN ANG BED CAPACITY NG CRMC
Cotabato City - Inaprubahan na ang inihaing panukala ni Congresswoman Bai Dimple Mastura NA House Bill 7320 na naglalayon na madagdagan ang mga bed capacity sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).
Magiging isang libong NA ANG bed capacity MULA SA kasalukuyang anim na raang bed capacity sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC), maglalaan din ng karagdagang pondo upang ma upgrade ang serbisyong pangkalusugan at pasilidad sa naturang pagamutan.
Lubos ang pasasalamat ni Medical Director Dr. Ishmael Dimaren ng CRMC kay Congresswoman Bai Dimple Mastura sa kanyang inisyatibo na palawigin at mapahusay ang serbiyong medical sa CRMC para sa mamayan ng Maguindanao del Norte, Cotabato City at sa kalapit baayn nito.
Ang panukalang ito ay suportado ng Department of Health (DOH).
Malaking tulong ang panukala ng Kongresista para sa mga serbisyong medikal na pinangangasiwaan ng Cotabato Regional and Medical Center.