Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Tinalakay sa pagpapatuloy ng regular session ng BTA Parliament ang tatlong panukalang batas na nasa ikalawang pagbasa na sa parliamento. Isang resolution ang i-pinagtibay at sampung panukalang batas ang inihain ni MP Amilbahar Mawallil, MP Atty. Laisa Alamia, MP Atty. Rasol Mitmug Jr., at MP Atty. Photo Courtesy: BTA Parliament Suharto Ambolodto.
Ito ay ang pagre-organisa at pagtatatag ng mga bagong ministries mula sa kasalukuyang ministeryo.
Kabilang dito ang pagtatatag ng Ministry of Agriculture, Ministry of Agrarian Reform, Ministry of Fisheries and Aquatic Resources, Ministry of Technical Education and Skills Development, Ministry of Energy, Ministry of Toursim at Bangsamoro Commission on Higher Education.
Ayon kay MP Amilbahar Mawallil, isa sa mga author ng mga panukalang batas, isa ito sa mga possitibong hakbang na pwedeng ikonsidera upang mas mapabuti pa ang paghahatid at pagpapatupad ng mga mandato ng mga ministries.
"Ang isa talaga sa nakikita namin tungkol sa separation at pag re-organize ng mga ministries, unang-una, mabibigyan ng pansin 'yong kanilang mandato. Lalo na ang Energy at Tourism kasi we considered it as a post-pandemic era, makakatulong ito lalong lalo na talaga sa tourism para sa economic recovery ng BARMM." Sabi nito.
Co-author naman ng bill sina MPs Baintan Ampatuan, Don Mustapha Loong, and Rasul Ismael.
Samantala, nasa second reading na ang Bangsamoro Local Governance Code at Electoral Code na inihain ng Government of the Day.
Hawak na ngayon ng Committee on Local Government ang Local Governance Code habang nasa sa Committee on Rules na ang Electorcal Code.
Ini-refer din sa Committee on Finance, Budget, and Management ang Parliament Bill No.41 o “An Act Establishing a buffer fund to defray the cost of the timely payment of salaries and other remuneration of BARMM workers and personnel of National Funded Programs deployed in the Bangsamoro Region under the supervision of its ministries and offices.