PANUNUMPA SA TUNGKULIN

Sumisimbolo ng sinseridad ng lahat ng partido para itulak ang pangmatagalang kapayapaan at tunay na kaunlaran sa dalawang bagong tatag na probinsya ng Maguindanao ang panunumpa ng mga opisyal ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur. Ito ang pahayag nina Department of National Defense OIC, Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr at Acting Presidential Adviser Isidro Purisima.
Hinangaan nina Department of National Defense OIC, Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr at Acting Presidential Adviser Isidro Purisima ang tinatawag sense of fairness in Pangulong Ferdinand Marcos Jr at determinasyon na pagkaroon ng tiyak na pagpapasya at pinal na resolusyon sa mga isyu na na kinakaharap ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.
Ito’y matapos manumpa sa Pangulo ang mga opisyal ng dalawang probinsya sa Malacanang noong Biyernes ng hapon.
Ayon sa dalawang opisyal, sumisimbolo ng sinseridad ng lahat ng partido para itulak ang pangmatagalang kapayapaan at tunay na kaunlaran sa dalawang bagong tatag na probinsya.
Pamumunuan ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang Maguindanao del Sur.
Nanumpa sa tungkulin ang mga kasama ng gobernador na mamumuno sa lalawigan na kinabibilangan nina Nathaniel Midtimbang bilang Vice Governor.
Bobby Bondula Midtimbang bilang board member, gayundin sina Ahmil Hussein Macapendeg, Yussef Abubakar Musali Paglas, Alonto Montamal Baghulit, at Taharudin Nul Mlor.
Sa Maguindanao del Norte-
Nanumpa si Abdulraof Macacua bilang governor.
Bai Ainee Sinsuat bilang Vice Governor.
Sa hanay ng mga board members, nanumpa rin sina Mashur Ampatuan Biruar, Datu Rommel Seismundo Sinsuat, Alexa Ashley Tomawis, at Aldulnasser Maliga Abas.
Ang dating alkalde ng Sultan Mastura na si Armando Mastura ang isa pang board member na nanumpa sa kanyang tungkulin.
Patunay ayon kay Galvez at Purisima na susi pa rin ng pagkakaroon ng magandang peace and order at sustainable economic development ang cooperation, understanding, common good, at pagkakaisa.