top of page

PARANG MPS, NAGBABALA SA PUBLIKO PATUNGKOL SA GCASH MODUS OPERANDI AT CELLPHONE SNATCHING

Kate Dayawan

PARANG, MAGUINDANAO — Namahagi ng flyers ang Parang Municipal Police Station sa mga Gcash outlet sa Parang, Maguindanao kahapon, April 25, upang magsilbing babala sa kanila patungkol sa GCash Modus Operandi at pangsa-snatch ng cellphone ng mga suspek.


Modus Operandi kasi umano ng mga suspek na magpanggap na magpapa cash in o cash out sa mga GCash outlet, hihiramin ang cellphone ng outlet owner at magkukunwaring ilalagay ang account number at saka itatakbo ang cellphone at ita-transfer sa ibang GCash account ang pondo dito.


Paalala ng PNP sa GCash outlet owner na mag-ingat sa mga mapagsamantala at huwag basta-batang ibibigay ang gamit na cellphone at sa halip ay bigyan ang mga magpapa cash in at cash out ng ballpen at papel upang doon na isulat ang kanilang GCash account.



34 views
bottom of page