Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 24, 2022

Photo courtesy : Partido Federal ng Pilipinas
Cotabato City, Philippines - Tuluyan nang nagsanib pwersa ang Partido Federal ng Pilipinas at Reform Party upang magkasamang isulong ang kandidatura ni Presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice Presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.
Ito’y matapos na lumagda sa isang kasunduan ang dalawang partido na ginanap sa headquarters ni BBM sa Mandaluyong City.
Naniniwala ang dalawang partido na itutuloy ng dalawang kandidato ang mga key reform agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ilan na dito ang Build, Build, Build program, pagpapatuloy ng war on drugs, pagsugpo ng kriminalidad at korapsyon at Digital Pilipinas para sa libre at mas mabilis na internet.
Isinusulong rin umano ng dalawang partido ang “Change Gov” na layong ma-decentralize ng economic, fiscal at political power sa bansa.
Ang paglagda ng kasunduan ng Partido Federal ng Pilipinas at Reform Party ay pinangunahan ni PFP Secretary General Thomson Lantion at Reform Party President Ret.Col James Layug.
Samantala,
Hindi naman umano “threatened” si Aksyon Demokratiko presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno sa pag-endorso ng PDP-Laban kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Itutuloy pa rin umano nito ang pangangampanya at panliligaw sa mga botanteng magluklok sa kanya sa posisyon sa darating na halalan sa May 9, 2022.
Ngunit aminado ang alkalde na sa pag-endorso ng PDP-Laban kay Marcos, mas lalo umano hihirap ang laban nito sa pagkapangulo.
Nais naman ng kampo ni PROMDI presidential candidate Senator Manny Pacquiao na muling makuha ang kontrol ng PDP-Laban Cusi faction matapos nitong suportahan ang kandidatura ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Gagamitin umano nilang panlaban ang pag-endorso ng Cusi faction kay Marcos.
Ayon kay PDP-Laban Pacquaio Faction Chairman Senator Koko Pimental na ang totoong miyembro ng PDP-Laban ay hindi kailanman kakampihan si Marcos.
Kung maaalala, taong 1982 nabuo ang partidong PDP-Laban bilang protesta sa diktaturya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Samantala,
Buo pa rin umano ang suporta ng kampo ni Presidetial candidate VP Leni Robredo sa running mate nito na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
Ito’y matapos na umusbong ang #RoSa o kombinasyon ng Robredo at Sara para sa 2022 national elections na isinulong ng mga lokal na opisyal sa ilang lugar sa bansa.
Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez, tanging si Pangilinan lang umano ang pipiliing makatandem ni VP Leni. Ngunit paglilinaw nito na kung sino mang vice presidentiable ang mananalo at kung papalarin din ito sa pagkapangulo ay mabibigyan ito ng meaningful role ni Robredo.
End.