top of page

PARTIDO REPORMA PRESIDENTIAL CANDIDATE, SENATOR LACSON, PATULOY NA BABANTAYAN ANG KABAN NG BAYAN

Joy Fernandez | iNEWS | December 6, 2021

Photo courtesy : Ping Lacson


Cotabato City, Philippines - Mensahe ni Partido Reporma Presidential Candidate, Senator Ping Lacson sa kanyang mga senatorial bets na maging masigasig at mapanuring bantay ng kaban ng bayan.


Ayon kay Lacson, sa panahon ngayon pinakaimportante na masiguro na nagagamit nang tama ang kaban ng bayan lalo na't nasa kalagitnaan pa rin tayo ng pandemya na nakakaapekto sa ating ekonomiya at lumolobong utang ng bansa na aabot na sa P13.42 trillion sa Hunyo 2022.


Sa kanyang termino sa pagka-senador mula 2001-2013 at 2016-2022, masusing sinuri ni Lacson ang pagpasa sa badyet at matapang na kinuwestyon ang mga kahina-hinalang appropriations at siniguro na nakatuon sa mga importanteng programa, aktibidad at proyekto ang pambansang badyet.


Tumatakbo sina Eleazar at Padilla sa ilalim ng Partido Reporma habang si Tulfo ay guest candidate ng Lacson-Sotto tandem. Sinamahan nila ang tambalang Lacson-Sotto sa kanilang pagbisita sa Cavite nitong Biyernes. Si Senate President Vicente "Tito" Sotto III ay tumatakbo sa pagka-Bise Presidente sa ilalim ng Nationalist People's Coalition.


Pagbabahagi pa ni Lacson, malapit nang umabot sa P13.42 trillion ang utang ng bansa sa susunod na Hunyo. Ibig sabihin, may pagkakautang ang bawat 111 milyong Filipino ng P121,000, kasama na rito ang mga bagong silang pa lamang.


Mainit na tinanggap ang Lacson-Sotto tandem ng mga residente ng Tanza, Cavite. Nakipagpulong din sila sa mga lokal na opisyal at mga miyembro ng local Tricycle Operators and Drivers Associations (TODAs).

8 views
bottom of page