top of page

PASOK SA MGA PAARALANG APEKTADO NG BAGYO SA BARMM REGION, SUSPENDIDO HANGGANG SA NOVEMBER 4

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Kung ang ilang lugar sa bansa, naka full alert na ang pulisya dahil sa pagsisimula ng full implementation ng Face-to-face Classes, dito sa Bangsmaoro Region, isang linggong suspendido ang klase.


Ang mga estudyanteng survivor ng landslide, hindi alam kung paano ulit makabangon matapos lamunin ng landslide ang kanilang tahanan, at walang naisalba, maging ang gamit nito sa eskwela.


Ayon kay MBHTE DRRM Chief Alfhadar Pajiji, maari pa itong ma extend, o hindi kaya gagawin nalang ito online. Pero kinokonsidera naman ang nga lubhang nasalanta ng bagyo.


Sa ngayon nagpapatuloy pa rin umano ang assessment sa bawat paaralan para mabigyang ng paunang tulong sa mga paaral at sa mag-aaral na nasalanta ng Bagyong Paeng.


Sa pinaka huling datos, nasa 477,258 na mag-aaral sa elementary at segundarya sa BARMM ang apektado matapos malubog sa baha at napinsala dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.


Dalawang daan at animnapu’t dalawang paaralan ang idineklara ng MBHTE bilang most affected schools kung saan, lubhang napinsala ang mga pasilidad, at kagamitan ng mga paaralan dulot ng baha.


Sa Maguindano 1, tatlumpu’t anim na mga paaralan ang naitalang naapektuhan, siyamnapu’t isa sa Maguindanao 2, tatlumpu’t apat sa Special Geographic Area, dalawampu’t tatlo sa Cotabato City, labing anim sa Sulu, at apatnapu’t siyam sa saklaw na Madrasah ng ahensiya.


End

0 views
bottom of page