Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Patay ang singkwenta anyos na si Gani Singkang at sugatan naman ang trenta y uno anyos na anak nito na si Abdulrasheed Adang Singkang, isang nurse na nagtatrabaho sa Cotabato Sanitarium Hospital.
Sakay ng kotse ang mag-ama at papauwi na sa kanilang bahay sa Barangay Gang, Sultan Kudarat nang pagbabarilin ang kanilang sasakyan sa Barangay Ungap, Sultan Kudarat, ala sais bente, kagabi, Oktubre 25.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan si Gani na naging sanhi ng dagliang kamatayan nito.
Ayon sa Sultan Kudarat, Maguindanao PNP, pinaniniwalaang mula sa .45 pistol ang baril na ginamit ng mga salarin base sa mga basyo ng bala na nakuha sa crime scene.
Isinugod naman sa pagamutan ang anak ng nasawing biktima na si Abdulrasheed para sa karampatang lunas.
Ayon sa PNP, contaminated na ang crime scene nang datnan nila ito kung saan inilabas na ng mga kaanak ang nasawing biktima mula sa sasakyan.
End