Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Patay ang MNLF Commander na kinilalang si Datu Jordan Tayuan matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang tahanan sa Barangay Bual Sur, Midsayap, Cotabato Province ala 5:00 ng hapon, Oktubre 13.
Ayon kay Midsayap PNP Chief, LTCOL
Photo courtesy: FB Handout Images
Rolly Oranza, mag-isa lamang sa kaniyang tahanan ang biktima nang pinasok ng hindi pa natukoy na salarin at pinagbabaril.
Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng caliber 45 pistol at anim na basyo ng caliber 5.56mm.
Dagdag pa ni LTCOL Oranza, Personal grudge ang pinaniniwalaang motibo ng pagpaslang.
Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa pamilya ng biktima para habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa krimen.
End.