PATAY SA OPERASYON

Isa patay, isa arestado, mga armas at pampasabog, nabawi ng otoridad sa paghahain ng warrant of arrest sa Pagalungan, Maguindanao del Sur.
Inihain ng 90IB, 34IB, PNP-SAF at Pagalungan Police ang warrant of arrest laban sa isang Joel Manampan alyas Maula sa Kilangan, Pagalungan, Maguindanao del Sur.
Itinuturing itong na Most Wanted Person – National Level dahil sa kasong double murder, gun for hire, gun running, extortion, carnapping at robbery.
Pero, nakatakas ito habang isinasagawa ang paghahain ng warrant of arrest.
Nadatnan ng otoridad sa pamamahay nito ang kapatid nitong si Moner Manampan na inaresto ng otoridad matapos madiskubre sa kanyang kustodiya ang isang blasting cap; isang metro ng detonating cord at isang MK2 fragmentary grenade.
Tinungo rin ng otoridad ang isa pang tinitirhan ng target sa kanilang bitbit na warrant of arrest sa Barangay Gokotan, Pikit.
Pero nauwi sa engkwento ang paghahain ng warrant of arrest na ikinasawi ng isang hindi pa kinilalang armadong lalaki.
Nabawi naman ng otoridad ang isang Garand Rifle, isang bandolier at isang jungle pack.