PATAY SA OPERASYON ANG ISANG LOCAL TERRORIST SA LANAO DEL SUR

Patay ang isang miyembro ng local terrorist at narekober naman ang isang baril at mga bala sa nagpapatuloy na focused military operation sa Lanao del Sur.
Naka-engkwentro ng militar ang sampung miyembro ng Daulah Islamiyah sa nagpapatuloy na focused-military operation sa Barangay Kalaludan, Pagayawan, Lanao del Sur, araw ng Martes, April 18.
Photo Courtesy: Western Mindanao Command, AFP
Ayon kay Task Force Zampelan Commander, Maj. Gen. Antonio Nafarrete, narekober sa encounter site ang bangkay ng isang local terrorist matapos ang bakbakan.
Narekober din ang isang M653 rifle na mayroong magazine at mga bala.
Ayon kay Western Mindanao Commander, Lt. General Roy Galido, hindi titigil ang militar hanggat meron pang natitirang terror group na patuloy na tataliwas sa panawagan na gobyerno na mapayapang pagresolba sa gulo.