PATAY SA PAGHAHAIN NG WARRANT OF ARREST

Patay ang sinasabing BIFF supporter at IED courier ng BIFF matapos magkaputukan sa paghahain ng warrant of arrest ng otoridad sa Shariff Saidona Mustapha, Maguindanao del Sur.
Photo Courtesy: WESTERN MINDANAO COMMAND, AFP
Nasawi si Tugali Galmak, a.k.a. Datu Guibo, na sinasabi ngmilitar na supporter at IED courier ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Ito ay matapos magkaputukan sa paghahain ng warrant of arrest laban dito, pasado alas onse ng umaga, araw ng Biyernes, Abril a bente uno sa Barangay Dalembong, Shariff Saidona Mustapha, Maguindanao del Sur.
Ayon sa Joint Task Force Central, habang papalapit ang pinagsanib na pwersa ng 33rd Infantry Battalion at Provincial Mobile Force Company-Maguindanao del Sur, pinaputukan umano sila ng grupo ni Galmak kaya napilitan ang operating team na gumanti ng putok.
Matapos ang putukan, natagpuan ng otoridad ang bangkay ni Tugali Galmak kabilang dito ang isang cal. 45 pistol na mayroong magazine at three rounds ng bala at isang anti-personnel mine.
Itinurn-over naman ang bangkay ni Galmak sa Shariff Saidona Mustapha Police para sa
proper disposition, habang nasa kustodiya naman ng 33Ib ang mga narekober na war materials para sa dokumentasyon.