Joy Fernandez | iNEWS | December 9, 2021

Photo courtesy : PDRRMO South Cotabato
Cotabato City, Philippiines - Sa ilalim ng programang Patient Transport Vehicle Services ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato, sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. ---
Mahigit limang daang residente na ang nakabenepisyo mula buwan ng Oktubre hanggang buwan ng Nobyembre sa programang ito.
Ang programang ito ay nagiging matagumpay sa pamamagitan ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang Patient Transport Vehicle Services ay libreng ibinibigay sa mga nangangailangang mamamayan ng probinsiya at walang pinipiling oras.
Hangad lamang ng butihing gobernador na masigurong ligtas at nasa maayos na kalagayan ang lahat sa pamamagitan ng Tama at maaayos na serbisyo.