Weather Update | iNews | September 7, 2021
SA DATUS MULA SA PAG-ASA-
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa Coast Waters ng Daram Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 120 km/h malapit sa gitana at pagbugso namang aabot sa 180 km/h. Kumikilos ito patungong West-North-Westward sa bilis na 20 km/h. Nakakaapekto naman sa Southern Section ng Luzon, Visayas at Mindanao ang Southwest Monsoon.
Aasahan ang pag-ulan na may pagbugsong hangin sa Southern Quezon, Marinduque, Romblon at Northern Cebu dulot ng Bagyong Jolina. Sa Bicol Region at Eastern Visayas naman ay aasahan din ang pag-ulan.
Ang Metro Manila, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, Buong MIMAROPA, CALABARZON at Visayas ay aasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog dulot ng bagyong Jolina at Southwest monsoon.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap at makakaranas ng mga pag-ulan. Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa southern portion ng Eastern Samar at southern portion ng Samar.Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang itinaas naman sa Northern Samar, ang nalalabing bahagi ng Samar, Biliran, northern portion ng Leyte, Masbate kasama na ang Burias at Ticao Islan, Sorsogon at Albay.
Habang Tropical Cyclone Wine Signal No. 1 sa Dinagat Islands, Siargao, Bucas Grande Island, Southern Leyte, northern portion ng Cebu kasama na ang Bantayan Island at Camotes Island.
Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 32 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.
Sa Maguindanao papalo mula 23-33 degree celsius ang agwat ng temperatura at 70 percent ang tsansa ng pag ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 90 percent ang chance of rain.
Sa North Cotabato, papalo ang temperatura mula 23-32 degree celsius at 100 percent chance of rain.
Sa Zamboanga City, papalo ang temperatura mula 25 to 30 degree celsius at 70% ang tsansang uulan.
Habang sa Lanao Del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 25 degree celsius at 60% ang tsansa ng uulan
Ang araw ay sumikat 5:34 ng umaga at lulubog 5:52 ng gabi.