top of page

PB NO. 44 | PB NO. 32


Photo Courtesy: Bangsamoro Transition Authority Parliament

SOCIAL SERVICE AT DEVELOPMENT COMMITTEE NG BTA MAGSASAGAWA NG SERYE NG KONSULTASYON HINGGIL SA BANGSAMORO VETERAN MUJAHIDEEN ACT OF 2022 AT THE RIGHTS OF INTERNALLY DISPLACED PERSONS OF THE BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION ACT


Bangsamoro Autonomous Region - Magsasagawa ng serye ng konsulasyon ang Social Services at Development Committee ng BTA hinggil sa Bangsamoro Veteran Mujahideen Act of 2022 at the Rights of Internally Displaced Persons of the Bangsamoro Autonomous Region Act.


Itinutulak na maisabatas sa BTA Parliament ang Parliament Bill Number 44 o Bangsamoro Veteran Mujahideen Act of 2022 at Parliament Bill Number 32 o the Rights of Internally Displaced Persons of the Bangsamoro Autonomous Region Act.


Kasunod nito ay ang pagsasagawa ng serye ng konsultasyon ng komite. Layon ng

PB No. 44 ay ang pagkakaroon ng tanggapan para mabigyan ng financial, medical, social, at iba pang tulong sa Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front veterans.


Layon naman ng PB No. 32 na protektahan ang mga Bangsamoro residents na nagsilikas sa mga lugar sa labas ng BARMM.


Magsisimula ang serye ng konsultasyon sa Mayo a trenta sa Maguindanao, Lanao del Sur, Cotabato City, at sa BARMM Special Geographic Area.


A sais naman ng Hunyo, isasagawa ang konsultasyon sa Sulu at Tawi-Tawi; at sa June 8 sa Basilan.


Lalahok sa konsulasyon ang mga experts, local government units, civil society organizations, at iba pang stakeholders mula sa mga probinsya ng rehiyon.

3 views0 comments