top of page

PBA, IPINAGPALIBAN MUNA ANG MGA LARONG NAKATAKDA SA UNANG LINGGO NG ENERO

Amor Sending | iNews | January 4

Photo Courtesy, Google



Cotabato City, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Basketball Association nitong Lunes, January 3, na ipagpapaliban muna nito ang mga larong nakatakda sa unang linggo ng Enero.


Sa isang advisory, sinabi ng liga na maghihintay sila ng permiso mula sa Games and Amusement Board bago nito ipagpatuloy ang torneo.


Ito'y matapos isailalim sa COVID-19 Alert Level 3 ang Metro Manila sa gitna ng pagdami ng mga kaso, gayundin ang posibilidad ng local transmission ng Omicron variant.


Ang PBA ay nagpadala ng liham sa GAB noong Lunes at umaasa ng tugon sa mga susunod na araw.


Bukod sa permiso ng GAB, sinabi ng liga na kailangan pa rin ang approval ng local government units kung saan gaganapin ang mga laro.


Ang Magnolia Hotshots at Blackwater Bossing, at ang Alaska Aces at Meralco Bolts ay dapat na maglalaro sa pagbabalik ng liga mula sa holiday break sa January 5. Ang ikalawang conference ng PBA 3x3 ay dapat na magsisimula sa January 8.


Bago ang Alert Level 3, pinayagan ang 50% capacity crowd sa loob ng Smart Araneta Coliseum, ang playing venue ng PBA simula noong December 15.

11 views0 comments

Recent Posts

See All