PBA LEGEND CHITO LOYZAGA, NAPILI NG POC BILANG CHEF DE MISSION PARA SA 32ND SOUTHEAST ASIAN GAMES

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Inihayag ng Philippine Sports Committee sa pangunguna ni PSC President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na napili nila bilang chef de mission ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang beteranong PBA player na si Chito Loyzaga.


Ayon sa POC, napili si Loyzaga dahil na rin sa magandang pamamalakad nito sa asosasyong kanyang kinabibilangan.


Makakasama ni Loyzaga sina sambo association Paolo Tancontian at canoe-kayak head coach at international technical official Leonora “Len” Escollante bilang deputies ni Loyzaga para sa nasabing torneo na magsisimula sa Mayo 16 hanggang 23 ng susunod na taon.


Mababatid na naging chef de mission na rin si Loyzaga ng Team Philippines noong 2010 sa Asian Beach Games at kasalukuyang namumuno ng Philippine Amateur Basketball Association.

1 view