Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Nagkaroon ng Emergency Press Briefing si Pangulo Ferdinand Marcos Jr. matapos tumama ang 7.0 Magnitude na lindol sa Probinsya ng Abra at sa iba pang bahagi ng Luzon.
Kasama ang iba’t-ibang ahensiya, pinag-usapan ang mga gagawing hakbang upang siguraduhing mabibigay agad ang mga tulong na kinakailangan ng mga biktima sa nangyaring lindol.
Una nang sinabi ng pangulo na nagtungo na si DSWD Secretary Erwin Tulfo sa apektado ng lindol upang tingnan at makipag-ugnayan sa mga local officials para sa iaabot na tulong ng gobyerno. Base sa update ng DSWD, maglalaan sila ng 6 million financial assistance sa mga LGUs para sa mga residente ng mga affected areas.
Nagsagawa na rin ng hakbang ang National Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga Regional Offices ng mga apektadong lugar at nagpapatuloy ang kanilang field assessment katuwang ang PHIVOLCS.
Tumulong na rin ang Armed Forces of the Philippines tulad ng Air assets at handa na rin Navy Forces.
Nagpapatuloy na din ang Clearing Operations at nagpapatuloy din ang pagsusumite ng mga situational reports.
Bumisita ang pangulo ngayong araw sa mga lugar na apektado ng lindol.