top of page

PBBM:DEFORESTATION AT CLIMATE CHANGE ANG NAGDULOT NG LANDSLIDE SA DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Takot nang bumalik sa relocation site ang mga residenteng biktima ng pagbaha matapos maganap ang landslide at nilamon lahat ng kanila ari-arian at naipundar na kagamitan.


Sa isinagawang aerial inspection ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa lugar na pinangyarihan ng landslide partikular sa Mt. Minandar-


Sinabi nitong deforestation at climate change ang dahilan kung bakit nagkaroon ng landslide sa Barangay Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Sa situation briefing kasama ang mga opisyal ng BARMM at Maguindanao, binigyang diin ng pangulo na dapat magtanim ng mga punong kahoy bilang bahagi ng flood control project.


Nasira na ang protection dike sa Simuary River na nagkokontrol sa pag apaw ng tubig mula sa ilog.


Nangako naman ang pangulo na tutugunan ang mga nasirang dike sa lalawigan.


End

0 views
bottom of page