Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga mobile subscribers nang maisabatas ang SIM Card Registration Bill matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Joelyn, bilang studyante, nakikita niya itong magandang hakbang para mahinto na ang mga scams at hacking.
Photo courtesy : Bongbong Marcos
Pero, ang hiling nia na sana dapat unahin muna ang kanilang National ID. Mag-iisang taon na daw kasi, ngunit wala pa rin itong natatanggap.
Ayon sa Philippine News Agency, suportado ng ilang telecommunications companies (TELCOS) sa bansa ang paglagda sa SIM Card Registration Bill bilang batas at binanggit na ang mga paghahanda ay isinasagawa upang matiyak ang kanilang pagsunod.
Sa isang pahayag noong Lunes, magandang hakbangin umano ito para sa Globe Telecom Inc. (Globe) na siyang magbibigay-daan upang labanan ang mga banta ng cyber crimes at iba pang krimen gamit ang mga mobile phone.
Kahapon ng lunes, nang nilagdaan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act 11934 na kilala rin bilang An Act Requiring the Registration of SIM Cards sa isang seremonya na sinaksihan ni Vice President Sara Duterte, mga mambabatas, at iba pang opisyal ng gobyerno sa Palasyo ng Malacañan.
Sinabi ni Marcos na gagamitin ang batas para makontrol ang paglaganap ng iba't ibang cybercrimes gamit ang mga mobile phone tulad ng text scam at spam sa pamamagitan ng pag-uutos sa mga PTE na magpanatili ng SIM Card Registry para sa kanilang mga subscriber.
End