top of page

PBBM, KUMPYANSA SA DENR NA TUGUNAN ANG SULIRANIN AT PANGALAGAAN ANG LIKAS NA YAMAN NG BANSA

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ang resiliency at adaptasyon ng Pilipinas sa "new normal" ng climate change ay nasa pangunahing agenda ng kanyang administrasyon.


Photo courtesy : Bongbong Marcos


Ito ang binigyang diin ni Marcos sa kaniyang mensahe matapos dumalo sa 2022 multi-stakeholder forum na inorganisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Diamond Hotel sa Maynila kahapon,


Aminado ang pangulo na magiging mahaba at magiging mahirap ang daan, pero sisikapin ng kaniyang administrasyon na maisakatuparan ang lahat ng layunin para sa kaniyang termino.


Pinuri naman ni Pangulo ang DENR sa pag-oorganisa ng isang forum na nagtitipon ng iba't ibang stakeholder na magsasagawa ng pakikipagtulungan sa ahensya at iba pang mga departamento upang gumawa at magpatupad ng mga programa tungo sa klima, disaster resilience at sustainable development.


Aniya, tiwala siya na ang forum ay magsisilbing plataporma para matukoy ang hamon ng bawat sektor, palakasin ang kooperasyon.


Binigyang-diin din ni Marcos ang kahalagahan ng paggamit at pagpapaunlad ng likas na yaman ng bansa.


Layunin ng DENR forum na patatagin ang mga inclusive dialogues sa lahat ng stakeholder ng ahensya; ibahagi ang mga karanasan ng mga stakeholder sa pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya ng pambansang pamahalaan; pasiglahin ang pakikipagtulungan sa mga stakeholder; at tukuyin ang mga inisyatiba ng multi-stakeholder na gumagamit ng agham, teknolohiya at inobasyon upang makamit ang mga natatanging halaga sa iba't ibang sektor.


Kumpyansa ang pangulo na ang forum ay magdudulot ng malaking resulta na makakatulong sa pagpapayaman ng likas na yaman.



End

1 view0 comments

Recent Posts

See All