Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Dala pauwi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa bansa ang pangako mula sa Indonesian Business Leaders ang mahigit-kumulang USD8.48 bilyon (PHP466.6 bilyon) halaga ng Business Deals mula sa kanyang tatlong araw na pagbisita sa Indonesia.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang mga kasunduang ito sa roundtable discussion sa pagitan ng pangulo at ng mga Business Leaders at Investors ng Indonesia noong Lunes, ay bubuo ng hindi bababa sapitong libong mga trabaho.
Sa nasabing halaga, sinabi ng opisyal na nakakuha ang gobyerno ng Pilipinas ng 7 billion US Dollars sa imprastraktura para sa unsolicited private-public partnerships (PPPs) tulad ng C-5 4-level elevated expressway.
Ang naturang visit ng pangulo ay nagresulta din ng 822 US Dollars million investment para textiles, garments, renewable energy, satellite gateway, wire global technology, at agrifood— gayundin ang 662 million US Dollars sa trade value para sa supply ng coal at fertilizer.
Aniya, nangako rin sila na palalawakin pa ang kanilang pakikilahok sa mga investments sa bansa.
Lumipad ang pangulo nitong September 4 patungong Indonesia.
Bukod sa mga kasunduan sa negosyo, ang kanyang pagbisita ay nagbunga ng mga kasunduan sa pakikipagtulungan sa defense cooperation, cultural cooperation, creative economy, and a plan of action for bilateral cooperation.
Kasalukuyan siyang nasa Singapore upang palakasin ang relasyon sa kalakalan at pamumuhunan ng bansa.