Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Kahapon, Lunes ng umaga, nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Karding pagkatapos pangunahan ang isang situation briefing kasama ang mga opisyal ng gobyerno.
Photo Courtesy: Bongbong Marcos/FB
Ininspeksyon nito ang ilang bahagi ng Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac, ayon sa Malacañang.
Gayunpaman, sinabi niya na ipagpapaliban niya ang bumaba sa mga lugar para makipagpulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan hanggang matapos silang magsagawa ng tugon at relief operations.
"I will not land in any place because from my experience pagka nasa local government ka lalo na just after the typhoon, marami silang trabaho. ‘Pag bumaba ako, kailangan nila akong i-welcome, kailangan ‘yung pulis sa akin, kailangan kukunin ko ‘yung mga sasakyan nila. Eh ang dami nilang kailangang gawin so makakaistorbo lang ako"
Sa kasalukuyan, sinabi ni Marcos na parehong inuuna ng pambansa at lokal na pamahalaan ang pag-airlift ng mga food packs, at tubig sa Polillo Islands sa Quezon province, na lubhang naapektuhan ng bagyong Karding.
Mamimigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga individuals in crisis situations (AICS) pagkatapos maihatid ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Ang AICS ay nagsisilbing social safety net o stop-gap measure upang suportahan ang pagbawi ng mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng hindi inaasahang pangyayari o krisis sa buhay.