Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Isang masayang reunion ang nangyari matapos umuwi si Pangulong Ferdinanad Marcos Jr kasama ang kaniyang pamikya sa Batac upang makikiisa sa selebrasyon ng 105th Anniversary Marcos Day kahapon nv linggo, September 11.
Sinabi ng Pangulo na ang selebrasyon ng Marcos Day ngayong taon ay isang makabuluhan sa dahilang nagpapakita ito ng muling pagsilang ng bansa, partikular na ang mga nagpanatiling buhay sa alaala ng kanyang ama.
Aniya, ang naturang pagpapahalaga ay magsisilbing isang gabay sa layunin ng kanyang administrasyon tungo sa mas mabuting Pilipinas.
Sa Batac City, nilibot ng Pangulo ang Imelda Cultural Center kung saan ginanap ang natnateng (gulay) cooking showdown, na nilahukan ng 23 local government units.
Binigyan siya ng mga bulaklak at cake at hinarana para sa kanyang nalalapit na kaarawan ngayong Martes, Setyembre 13.
Nagsagawa rin ng job fair sa Robinsons Place Ilocos kung saan nag-alok ng trabaho ang mga pribado at pampublikong kumpanya.