top of page

PBBM, PINALAWIG PA ANG STATE OF CALAMITY SA BUONG BANSA HANGGANG SA KATAPUSAN NG TAON

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang proklamasyon kahapon na nagpapalawig sa State of calamity sa buong Pilipinas dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) hanggang December 31, 2022.

Inatasan ni Marcos ang lahat ng ahensya ng gobyerno at local government units (LGUs) na ipagpatuloy ang pagbibigay ng buong tulong at mga kinakailangang resources sa pagtugon sa kalamidad na dala ng COVID-19 Virus.

Inatasan din ng pangulo ang mga law enforcement agencies, tulad ng Armed Forces of the Philippines, na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng lahat ng kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaayusan sa mga apektadong lugar.

Nilagdaan ni Marcos ang Proclamation No. 57 kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na palawigin pa ang state of calamity para patuloy na makapaghatid ng mga interbensyon ang national government na nauugnay sa Covid-19.

Noong March 16, 2020, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 929 na nagsasailalim sa buong bansa sa state of calamity sa loob ng anim na buwan dahil sa COVID-19.

Kalaunan ay pinalawig ito ng dating papngulo ng isang taon mula September 13, 2020, hanggang September 12, 2021, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1021.

Pinalawig niya ang state of calamity declaration sa ikatlong pagkakataon--mula September 13, 2021 hanggang September 12, 2022, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1218.

Nauna nang inaprubahan ni Marcos ang Executive Order No. 3 na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga outdoor setting, partikular sa mga open space at hindi mataong outdoor area na may magandang bentilasyon.

Ang datos mula sa National COVID-19 Vaccination Dashboard, as of September 12 ay nakapagtala na ng mahigit 72.7 milyong Pilipino na nakakumpleto ng kanilang una at pangalawang bakuna kontra COVID-19.

Samantala, mahigit 18.6 milyong Pilipino ang nakatanggap ng kanilang booster shots.

0 views0 comments

Recent Posts

See All