Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Personal na kinamusta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga biktima ng lindol sa probinsya ng Abra nitong Miyerkules, July 27.
Kasama nitong bumista ang mga kawani ng DSWD, DILG, DND, NDRRMC at iba pang mga ahensya para sa inspeksyon at alamin pa ang iba pang pangangailangan ng mga biktima.
Kahapon ng Huwebes, mismong ang pangulo ang namigay ng mga relief goods bilang paunang tulong sa mga biktima.
Kinausap din nito ang nga local executives ng lugar upang malaman ang iba pang tulong na maibibigay ng gobyerno.
Personal ding tinungo ng pangulo ang Abra Provincial Hospital upang tingnan ang mga kondisyon ng mga pasyenteng mga nasugatan at nasaktan ng lindol.
Nagsagawa din ng aerial inspection si Pangulong Marcos upang matingnan ang mga damaged areas sa probinsya.
Samantala, umabot na sa 798 aftershocks ang naitala ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.