top of page

PBGEN JOHN GUYGUYON, ITINALAGA BILANG BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG PNP BARMM

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



August 16, 2022…pormal na umupo sa pwesto bilang regional director ng PNP BARMM si Police Brigadier General John Guyguyon.


Pinalitan ni Guyguyon si Police Brigadier General Arthur Cabalona na itinalaga naman bilang bagong Deputy Area Police Commander ng Eastern Mindanao.


Sa turn-over ceremony, inilatag ng outgoing regional director ang kanyang mga napagtagumpayan sa loob ng anim na buwan na panunungkulan nito sa rehiyon ng bangsamoro.


Sa kanyang pag-upo sa pwesto, baon naman ni Regional Director Guyguyon ang payo mula sa bagong PNP Chief na si Rodolfo Azurin Jr.


Si Police Brigadier General John Guyguyon ay mula sa PNPA Class 1991. Bago nating regional director ng PNP BARMM, nagsilbi itong provincial director ng PNP Lanao del Sur noon kasagsagan ng Marawi Siege.


13 views
bottom of page