top of page

PDAU – SOUTH COTABATO, MULING NAGHANDOG NG WHEELCHAIR SA MGA KABABAYANG MAY KAPANSANAN SA LALAWIGAN

Kate Dayawan

SOUTH COTABATO — Patuloy sa pamamahagi ng mga assistive devices ang Provincial Government ng South Cotabato sa pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr sa mga may kapansanan mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan sa pamamagitan ng Persons with Disability Unit o PDAU.


Sa Facebook post ng Provincial Government ng South Cotabato, limang indbidwal ang nahandugan ng libreng wheelchair kabilang na ang apat na menor de edad.


Ang mga nasabing benepisyaryo ay mga residente ng Polomolok, Tupi, Koronadal at Lake Sebu.


Panawagan naman ng PDAU sa mga nagnanais na maka-avail ng nasabing programa na magsumite lang ng kanilang Barangay Certificate of Indigency at whole-body picture ng benepisyaryo sa kanilang tanggapan.

4 views
bottom of page