top of page

PDEA-BARMM, BINIGYAN NG CASH REWARDS ANG KANILANG MGA PRIVATE EYE

Updated: Jan 10, 2022

Kate Dayawan | iNews | January 7, 2022



Courtesy: PDEA BARMM


Cotabato City, Philippines - Anim na private eye o mga informants ang binigyan ng cash rewards ng Philippine Drug Enforcement Agency - BARMM.


Ito ay bilang pagpapalasamat ng PDEA sa mga impormasyong ibinigay ng mga civilian informant sa nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto ng mga high-value target drug personality at pagkakakumpiska ng mga iligal na droga.


Kahapon, January 7, pinangunahan mismo ni PDEA-BARMM Regional Director Gilbert Buenafe ang pamamahagi ng monetary rewards. Kasama rin nito sina Assistant Regional Director Renante Rosero at Chief Operation Division IAV Ethechendale Jumalon.


Ang direktang suporta ng mga informant sa PDEA ay malaking tulong upang makamit ang isang drug free community.


10 views
bottom of page