PDL ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center, ibinida ang mga gawang produkto

Kate Dayawan | iNEWS | September 21, 2021


Cotabato City, Philippines - Kasabay ng selebrasyon ng National Tourism Month, idinaos ng Provincial Government ng South Cotabato ang Product Selling Activity sa 4th Floor, Cinema Lobby, KCC Mall, Koronadal City simula September 15 hanggang September 30.


Dito ibinida ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) ang kanilang mga gawang produkto.


Lubos namang nagpapasalamat ang isang bilanggo dahil sa livelihood program na ibinigay sa kanila ng SCRDC.


Hinikayat naman ng isang officer ng SCRDC na suportahan ang mga produktong gawa ng mga PDL.


Kabilang sa kanilang mga produkto ay ang alkansya, picture frames, furniture at beadworks.

At dahil paparating na rin ang araw ng kapaskuhan ay inihahanda na rin ng mga PDL ang kanilang mga produktong parol.




Photo by: Provincial Government of South Cotabato

4 views