top of page

PEACE ADVOCATE SA SULTAN KUDARAT, TINULIGSA ANG MGA KARAHASANG GINAWA NG COMMUNIST TERRORIST GROUP

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 31, 2022

Photo courtesy : Western Mindanao Command


Cotabato City, Philippines - Nag-rally ang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan sa lalawigan ng Sultan Kudarat noong araw ng Martes, March 29, upang kondenahin ang mga karahasang ginagawa ng communist terrorist group kung saan maraming buhay ang nawala at nasira ang mga ari-arian mahigit limang dekada na ngayon.


Nakiisa sa nasabing rally ang mga kasundaluhan ng 42nd Civil Relations Unit, 4th Civil Relations Group sa ilalim ng pamumuno ni Maj. Andrew Linao at 37th Infantry Battalion na pinamumunuan naman ni Lt. Col. Allen Van Estrera. Kasama rin sa hakbang na ito ang mga local officials at mga mamamayan kung saan isinagawa ang nasabing rally sa mga barangay ng Sabanal at Hinalaan sa Kalamansig, Barangay Dumolol, Tibuhol, Batang Baglas at Midol sa bayan naman ng Palimbang.


Nakiisa rin dito ang mga dating rebelde at mga lumad.


Pinuri ni MGen. Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, ang mga tropa na siniguro na magiging matagumpay ang pagsasagawa ng mga nasabing peace rally.


Aniya, ginagawa umano nila ito upang hikayatin ang maraming tao na suportahan sila sa kanilang adhikain na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Sultan Kudarat. Kinondena rin nito ang mga hindi makataong pag-atake ng CTG na sumira ng maraming buhay ng mga peace-loving people ng Mindanao limamputatlong taon na ngayon.


Sa isinagawang rally, sinunog ng mga dumalo ang mga bandila ng mga NPA at nagsagawa ng peace march dala-dala ang mga mensaheng nakasulat sa mga placard.


End.

2 views0 comments

Recent Posts

See All