Kristine Carzo | iNEWS | September 24, 2021
Cotabato City, Philippines - Bilang pakikiisa sa pag-puksa sa mga rebeldeng grupo ng Communist Party of the Philippines, New Peoples Army at National Democratic Front nagtipon-tipon ang isang daan at limampung miyembro ng Manobo-Dulagan tribe sa Barangay Kabulanan, Bagumbayan, Sultan Kudarat Province sa isang Peace Rally.
Habang nagmamartsa bitbit ang mga plakards, mula sa Sitio Manuban sigaw ng mga ito ang kanilang hindi pagsuporta sa CPP-NPA. Sinunog din nila ang watawat ng CPP-NPA-NDF.
Kabilang sa mga nakiisa sa naturang pagtitipon ang mga matatanda, youth, farmers, dating NPA Rebels, at religious sectors mula sa malalayong Sitios ng Barangay Kabulanan. Samantala, matapos ang isinagawang peace rally, nagsagawa rin ng Out-reach Program ang ibat-ibang organisasyon para sa mga Manobo at Bulangan tribe.
Kabilang sa mga ipinamahagi sa 517 mga Manobo at Bulangan tribe ay 517 food packs, tsinelas, at hygiene kits, 1000 packs ng Bigas, Monggo , 600 packs ng Kiddy Meal, P303,000.00 cash para sa 101 Manubo-Dulangan household at 300 Coffee Seedlings.
Naki isa rin sa naturang aktibidad ang Indigenous People Structure; LGU-Bagumbayan sa pangunguna ni Hon. Mayor Jonalette E. De Pedro; Mr Ryan Balanza, ELCAC Focal Perswon - DSWD XII; Miss Elenita L. Saavedra, PSWDO Sultan Kudarat; Col Joel Q Mamon, Deputy Commander of 601st IBde; LTC Romel S Valencia, Commanding Officer of 7IB and P/COL Noel U Kinazo, Provincial Director, SKPPO.
