PEACEBUILDING

MGA MIYEMBRO NG JPST MULA SA BAYAN NG NORTH UPI, TALITAY, COLUMBIO AT SULTAN KUDARAT, SUMAILALIM SA 2 ARAW NA PEACEBUILDING WORKSHOP
Bangsamoro Autonomous Region - Sumailalim sa dalawang araw na peacebuilding workshop ang mga miyembro ng Joint Peace and Security Team o JPST mula sa bayan ng North Upi, Talitay, Columbio at Sultan Kudarat.
Sa layuning masubaybayan ang pag-unlad ng Joint Peace and Security Team o JPST sa peacebuilding and normalization efforts; pagpapalakas ng accountability tungo sa mga stakeholders at donors; mapabuti ang decision-making ng team members, at pagbutihin ang pagiging epektibo ng kanilang mga inisiyatiba…
Isinagawa ang dalawang araw na peacebuilding workshop.
Dinaluhan ito ng mga JPST members mula sa ibat ibang Operations Center sa North Upi, Talitay, Columbio, at Sultan Kudarat.
Ibinahagi ng MILG ang structure at functions ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Binigyang diin sa workshop ng Joint Normalization Program na ang conflict transformation ay hindi lamang hanggang sa pag transform ng relasyon. Layon din nito ang transformation ng structures at ang broader culture.
Ipinaliwanag naman ng JNC Peace Program na ang Nonviolent Communication (NVC) ay mahalaga sa peacekeeping at peacebuilding na isinasagawa ng JPSTs.
Kinilala din ng mga resource persons ng workshop ang performance at accomplishments ng JPST
para paganahini ang mas responsive, effective, accountable, at sustainable peacebuilding efforts sa mga lugar na kanilang nasasakupan.